Dolomite Beach sa Manila bay malapit nang buksan
Madalang na ang nakukuhang basura at bumaba na rin ang lebel ng cauliform bacteria sa Dolomite beach.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, hinihintay na lang nilang matapos ang konstruksyon ng isa pang sewerage treatment plant.
Kung agad matatapos irerekomenda nilang buksan na ito para mapaliguan.
Kinumpirma naman ng DENR na batay sa kanilang pagsusuri patuloy ang pagbaba ng lebel ng cauliform bacteria sa tubig kaya posibleng makapagtampisaw na ngayong summer.
Sa ngayon tinatapos na lang aniya ng DENR ang konstruksyon at paglalatag ng dolomite sand.
Target malagyan ng dolomite ang limandaang metrong haba ng baybayin mula sa US embassy hanggang sa Abad.
Habang may konstruksyon sinasabayan rin ito ng treatment sa tubig na target matapos ngayong abril.
Meanne Corvera