Donasyong isang truck na gulay, inisnab ng barangay chairman sa Cauayan City
Hindi umano pinansin ng isang barangay chairman sa Cauayan City, Isabela ang isang truck na puno ng gulay na ipamamahagi sana sa mga nangangailangan.
Katwiran nito, pag-aagawan lang ang mga gulay at walang bakanteng sasakyan ang barangay para kunin ang mga donasyon.
Ayon kay Prima Fernandez, asawa ng isa sa mga lider ng grupo ng trailer truck drivers ng Bambang, Nueva Vizcaya. kinausap niya ang Sangguniang Kabataan (SK) Chairman na si Charleston Cruz, na magbibigay ng donasyong gulay ang grupo ng kaniyang asawa sa Barangay Disimuray, Cauayan City, upang tumulong sa kanyang mga ka-barangay.
Agad naman iyong ipinagbigay alam ni Cruz sa kapitan ng barangay na inaprubahan naman nito.
Madaling araw nang dumating kahapon sa Cauayan City ang isang truck ng gulay. Agad na tinawagan ni Fernandez ang SK Chairman na si Cruz upang ipakuha ang mga gulay. Ipinabatid naman ito ni Cruz kay kapitan.
Subalit nagbago umano ang pasya ng kapitan at tinanggihan nya ang donasyon.
Dahil dito, ang isang trak ng gulay na para sana sa Barangay Disimuray ay ipinamigay na lamang sa Ilagan City.
Ulat ni Dionne Agcanas