Doncic ng Dallas at LeBron ng Lakers, mangunguna sa NBA holiday contest
LOS ANGELES, United States (AFP) – Dagdag lakas ang talented 21-year-old Slovenian star na si Luka Doncic sa Dallas Mavericks, laban kay LeBron James at sa defending champion na Los Angeles Lakers, sa feature matchup ng limang NBA holiday contests nitong Biyernes.
Si Doncic at James ay kapwa contenders para sa NBA Most Valuable Player award sa nakalipas na season, at maaaring maging contenders ulit sa 2020-21 campaign.
Sinabi ng owner ng Mavericks na si Mark Cuban, na exciting ito. Malaki aniyang laro ang makalaban ang champion at kapag si Luka at James ay nag-match up ay maituturing na espesyal.
Si James, na nag-36 na nitong Miyerkoles ang higit isang dekada nang naging mukha ng NBA, kung saan narating niya ang 10 NBA Finals, nagwagi ng apat na titulo at nakakuha ng MVP awards sa apat na season.
Subalit si Doncic ay nakakuha naman ng “rare review”mula nang makuha sa third overall pick sa 2018 NBA Draft.
Si Doncic ang 2019 NBA Rookie of the Year at naging isang versatile playmaker na may average na 28.8 points, 9.4 rebounds at 8.8 assists sa last season – isang senyales na maaring maging mukha siya ng NBA isang dekada mula ngayon.
Sinabi naman ni Doncic, maha ang panahong kakailanganin para maging mukha ng liga, subali’t makakaharap nila ang kampeyon at espesyal aniya ito.
Kabilang din sa Friday lineup ang second-year star na si Zion Williamson at ang New Orleans sa Miami, Golden State sa Milwaukee, Brooklyn sa Boston at Los Angeles Clippers sa Denver.
Samantala, nitong Huwebes ay inanunsyo ng NBA na may dalawa nang nag-positibo sa COVID-19 sa kalipunan ng 558 mga manlalaro, mula noong December 16.
Ang hakbang ay ginawa isang araw matapos na maging sanhi ng postponement ng opener laban sa Oklahoma City, ang coronavirus issues ng Houston Rockets.
Sa opener ng Lakers nitong Martes, si James ay nakagawa ng 20 points at isang team-high eight rebounds, habang si Anthony Davis naman ay naka-score ng 35 points sa 114-113 loss laban sa Clippers.
Si Doncic ay naka-score ng 32 points nitong Miyerkoles, ngunit ang Mavs ay natalo sa Phoenix sa score na 106-102.
Plano naman ng coach ng Mavericks na si Rick Carlisle, na pag-aralan ang Lakers para malaman ano ang best matchups at coverages para sa kanilang depensa, sa sandaling sila ay bumiyahe na patungong LA para sa una nilang Holiday contest.
Aniya, kampeon ang kanilang makakalaban, kaya obvious na kailangan nilang magkaroon ng isang “high-level game.”
Si James ay nasa third rank sa Holiday career scoring list ng liga na may 361 points, kaya kailangan na lamang niya ng 17 points para malampasan si Oscar Robertson na ranked 2nd sa listahan, at 35 points para malampasan ang namayapa nang si Kobe Bryant para sa all-team lead.
May siyam na panalo na rin si James sa 14 na Holiday appearances, kulang na lamang ng isa sa all-time win mark na itinakda ng dating niyang Miami teammate na si Dwyane Wade, na may 10-3 sa holiday contests.
Ito na rin ang ika-22 sunod0sunod na taon na ang Lakers ay maglalaro sa Holiday contest.
Siyam na NBA All-Stars ang maglalaro nitong Biyernes, pero hindi kasama rito si Williamson o sina Kevin Durant at Kyrie Irving na kapwa may injury.
Ang New Orleans ay may 24 points, 11 rebounds at nine assists mula kay Brandon Ingram sa kanilang opening win laban sa Toronto, subalit kakaharapin ng Pelicans face ang kasalukuyang Eastern Conference championship side sa Miami, na may seven wins at NBA-best 10-2 Holiday record.
Ang two-time reigning NBA MVP na si Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee ay makakaharap ng two-time MVP na si Stephen Curry at ng Warriors. Sa kauna-unahang pagkakataon mula noong 1968, ay magiging host ang Bucks ng isang holiday game.
Kakaharapin naman ng Clippers sa pangungunan nina Kawhi Leonard at Paul George ang Denver, na tumalo sa kanila sa playoffs ng last season.
© Agence France-Presse