Dose-dosenang mga kabataang babae sa Eq. Guinea, nagkasakit matapos turukan ng diphtheria-tetanus vaccine
Dose-dosenang mga kabataang babae ang nagkasakit matapos maturukan ng diphtheria-tetanus vaccine sa mga eskuwelahan sa Bata, ang economic capital ng Equatorial Guinea subali’t wala namang naiulat na namatay o nagkasakit ng malubha ayon sa health ministry.
Ayon kay Deputy Health Minister Mitoha Ondo’o Ayekaba . . . “102 girls from 11 schools in Bata were received at the Damian Roku Epitie Monanga regional hospital in Bata with the following symptoms: dizziness, agitation, weakness, headaches and pain in the left arm. Of the patients, 99 had been vaccinated between May 16 and 18 with the diphtheria/tetanus vaccine.”
Aniya . . . “A total of 223 cases were recorded at the hospital, of which 190 were vaccinated and 33 were not vaccinated and show the same symptoms.’
Sa 7,000 kabataang babae na nabakunahan sa Equatorial Guinea sa panahon ng African Vaccine Week sa kaparehong batch ng mga bakunang dumating noong March 2020, 1.4 porsiyento lamang ang nakaranas ng adverse reactions, ayon sa health authorities.
Paliwanag ng Equatorial Guinea health ministry, ang sitwasyon ay isang “collective hysterical reaction.”
Inaasahan namang darating ang isang grupo ng mga eksperto mula sa World Health Organization, upang analisahin ang batch ng bakunang ginamit.
Ang diphtheria/tetanus vaccine ay ibinibigay sa mga kabataang babae na nasa kanila nang “child-bearing age,” upang maiwasan ang neonatal tetanus.