Doses ng COVID vaccines na naideliver ng US sa Pilipinas, umabot na sa halos 66M
Kabuuang 65.7 milyong doses ng anti-COVID-19 vaccines ang naideliver na ng US sa Pilipinas.
Ito ay batay sa pinakahuling datos ng US Embassy ukol sa vaccine support ng Estados Unidos sa bansa.
Ang mga nasabing bakuna ay donasyon mula sa COVAX facility ng World Health Organization kung saan ang US ang pinakamalaking contributor.
Ang pinakahuling delivery ng US ay ang 168,000 doses ng Janssen na donasyon din ng Amerika.
Sa kabuuan ay 25 milyong doses ng COVID vaccines ang nai-donate ng US sa Pilipinas.
Samantala, umaabot naman sa Php168 million na halaga ng vaccine rollout support gaya ng patient dose tracker at electronic vaccine distribution tracking system ang naipagkaloob ng Amerika sa pamamagitan ng USAID.
Moira Encina