DOST nilinaw na hindi pa rin nila inirerekomenda ang paggamit ng VCO sa Covid-19 patients
Bagamat nakitaan ng magandang resulta, hindi pa rin inirerekomenda ng Department of Science and Technology (DOST) ang paggamit ng Virgin Coconut Oil para sa COVID 19 patients.
Paliwanag ni DOST – Philippine Council for Health Research and Development Executive Director Jaime Montoya, patuloy pa rin ang kanilang mga ginagawang pag-aaral hinggil sa epekto ng VCO sa mga pasyenteng may Covid 19.
Una rito, batay sa ginawang pay aaral sa ilang mild Covid 19 patients sa isang komunidad sa Sta Rosa, Laguna ay nakitaan aniya ng mabilis na pagkawala ng sintomas at hindi na lumala ang pasyente.
Sa ngayon, hinhintay naman aniya nila ang magiging resulta ng pag aaral sa epekto ng VCO sa severe COVID 19 patients.
Sa Philippine General HospitalSa oras na matapos aniya lahat ng kanilang mga pag aaral at nakitang epektibo talaga ito, saka aniya sila maghahain ng aplikasyon sa Food and Drug Administration para magamit ito sa Covid 19.
Sa ngayon aniya, ang VCO ay aprubado sa FDA bilang food supplement lamang.
Madz Moratillo