DOT at DOH lumagda ng kasunduan para sa pagtatayo ng Tourist First Aid Facilities
Magkakaroon na ang bansa ng kauna-unahang Tourist First Aid Facilities, para mapaigting pa ang mga pangangalaga sa kaligtasan ng mga turista sa mga tourist destinations sa bansa.
Kasunod ito ng paglagda sa memorandum of understanding (MOU) ng mga opisyal ng Department of Tourism (DOT), Department of Health (DOH), at ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).
Alinsunod sa kasunduan, ang TIEZA ang magtatayo ng mga pasilidad, habang ang mga tauhan ng DOH ang mangangasiwa sa operasyon ng mga ito.
Ang unang batch ng Tourist First Aid Facilities ay itatayo sa La Union; Boracay Island sa Aklan; Siargao Island sa Surigao del Norte; Panglao Island sa Bohol; Palawan; at Puerto Galera.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, mahalagang matiyak ang tourist convenience at safety para mapanatili ang momentum sa turismo ng Pilipinas.
Aniya, “The Tourist First Aid Facilities shall serve as the emergency response mechanism for any tourist who may encounter accidents or injuries while they are at our islands. This shall be manned by well-trained healthcare personnel, complete with the necessary medicalequipment and medicines to ensure timely and efficient emergency response. The facility shall also serve a dual purpose of preventive care as it has a second floor that shall serve as the life guard station or a viewing deck to oversee the condition of tourists.”
Siniguro naman ni Health Secretary Ted Herbosa ang katapatan ng DOH para magkaloob ng emergency service at medikal na pangangalaga sa mga turista sa bansa.
Ayon kay Herbosa, “”The establishment of the tourism emergency facilities in our key tourist destinations reflects our government’s dedication to providing access to health services. These facilities will not only enhance the safety of our tourists but also contribute significantly to the health tourism objective.”
Bukod sa Tourist First Aid Facilities, magtatayo rin ng solar-powered Tourist First Aid Booths sa beachfront areas.
Ang mga booth ay mayroong First Aid supplies, automated external defibrillators (AEDs), pullout stretcher, CCTV camera, at two-way ccommunication system sa command center para sa emergency calls.
Moira Encina-Cruz