DOT at DOTr magsasagawa ng enhancement program sa airports at seaports sa bansa
Nagkasundo ang mga opisyal ng Department of Tourism (DOT) at Department of Transportation (DOTr) na magsagawa ng enhancement program sa airports at seaports ng bansa.
Ito ay bilang pagtugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) na pasiglahin muli ang turismo sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa transport facilities.
Sa pagpupulong ng DOT at DOTr, iminungkahi ni Tourism Secretary Christina Frasco na maging pilot projects sa enhancement program ang Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 (NAIA-T2), Davao International Airport (DVO), at Cebu City Pier 1.
Ayon sa kalihim, mahalaga ang papel ng mga paliparan at pantalan sa overall tourism experience at tourism value chain.
Nais ni Frasco na sumalamin sa “Filipino Brand” ang airports at seaports.
Isa sa mga panukalang enhancement ay ang paglalagay ng interactive displays na magtatampok sa iba’t ibang artists at artisans.
Gayundin, ang installation ng uniform signages sa lahat ng airports at seaports, at paggamit ng ilaw, backdrop, at furniture na tatak Pinoy.
Maliban sa pagpapaganda sa mga paliparan at pantalan, isinulong din ng DOT ang pagkakaroon ng One-Stop-Shop para sa land, air, at sea connectivity, tourism assistance desk, at features at facilities para sa persons with disabilities (PWDs).
Ang nasabing programa ay pangungunahan ng DOT katuwang ang DOTr.
Bubuo naman ng Technical Working Group (TWG) na mangangasiwa sa maayos na implementasyon ng proyekto.
Moira Encina