DOT bibigyan ng karagdagang ngipin sa panukalang amyenda sa Tourism Act of 2009
Sinimulan na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pag-rebyu sa Tourism Act of 2009.
Sa Tourism Stakeholders’ National Summit, inihayag ni House Committee on Tourism Chairperson Rep. Eleandro Jesus Madrona na bibigyan nila ng dagdag na ngipin ang DOT sa ilalim ng Tourism Act.
Aniya, naniniwala ang mga mambabatas na kailangan ng DOT ng karagdagang kapangyarihan para ganap na maisakatuparan ang mga mithiin nito para sa industriya ng turismo ng bansa.
Partikular na aniya rito ang pagkakaroon ng sapat na kapangyarihan at boses ang DOT ukol sa pagpupondo sa tourism infrastructures.
Ayon sa kongresista, mahalaga ang mga nasabing imprastraktura para mapalakas ang turismo sa Pilipinas.
Moira Encina