DOT hinikayat na unahin ang problema sa airport, seguridad bago ang slogan
Pinayuhan ng isang mambabatas si Tourism Secretary Christina Frasco na unahin munang ayusin ang mga problema sa mga paliparan at isyung seguridad bago i-alok sa mga turista ang Pilipinas.
Sinabi ni House Deputy Speaker Ralph Recto na suportado niya ang bagong campaign slogan ng Department of Tourism (DOT) na Love the Philippines, pero isang uri lamang aniya ito ng marketing strategy para mapansin.
Sa isang statement, sinabi ni Recto na pangunahing pang-akit ng Pilipinas sa mga turista ang araw, mga tanawin, ang karagatan at shopping experience.
“A slogan by itself is not a powerful lure that will prompt a traveler to pack up and go, unless it fully captures our many splendored attractions. It is only as effective as what it is marketing,” pahayag pa ni Recto
Ayon kay Recto kahit gaano kaganda ang mga tourist destination sa bansa kung hindi maayos ang sistema sa mga airport, malala ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan at may problema sa seguridad hindi ito matatakpan ng magandang campaign slogan.
“The advantage of a catchy and clever tourism brand instantly evaporates in the heat of a congested airport, in road traffic which does not move, in restrooms which cannot be found. These are harsh realities no hot advertising copy can cure.”
“If the country is beautiful, no tourism slogan is needed. El Nido, for example, has beauty beyond words. If the country is bad, not even the best slogan would suffice,” paliwanag pa ni Recto.
Inihayag ni Recto bagamat wala sa kontrol ng DOT ay kailangang mag-pokus muna ang gobyerno sa pagpapaganda ng mga infrastructure at seguridad para mamahalin ng mga turista ang Pilipinas na bisitahin.
“I support the DOT’s new slogan. But the focus should be on the infrastructure and security, which would lead tourists to rave and not rage about their time here — matters which are outside DOT’s jurisdiction,” dagdag pa ng mambabatas
Batay sa economic recovery master plan ng kasalukuyang administrasyon, isa ang industriya ng turismo ang inaasahan na magbabangon sa kabuhayan ng bansa na nalugmok dahil sa pandemya ng COVID-19.
Vic Somintac