DOT, inilabas na ang listahan ng ilang sikat na destinasyon sa bansa na hindi na kailangan ng Covid-19 tests
Inilabas na ng Department of Tourism ang listahan ng mga sikat na tourist destination na hindi na kailangan ang negative results ng RT-PCR tests para sa fully vaccinated tourists.
Kabilang dito ang Baguio city, Bohol, Cebu, Clark, Subic, Boracay Island at Guimaras.
Sa halip na RT-PCR test, kailangan lamang ipakita ng mga biyahero ang vaccination card na inisyu ng Department of Health o ng Local Government Unit.
Ayon kay Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat, dahil sa pag-alis ng testing requirements, mas magiging maluwag na ang biyahe ng mga fully vaccinated lalo na ngayong holiday season.
Nagpaalala naman ang kalihim sa mga turista na manatiling sumusunod sa minimum health and safety protocols sa pagbiyahe.
Ilan pang lalawigan na tumatanggap na ng vaccination cards na walang Covid tests ay ang Tarlac, Pampanga at Nueva Ecija.
Mapapabilang na rin rito ang Camiguin, Batangas, Oriental Mindoro, Masbate, Camarines Norte, at Iloilo simula Nov. 15 habang sa November 16 naman ang Negros Occidental, Bohol,Southern Leyte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Misamis Oriental, Bulacan at Cebu Province.
Susunod na rin ang San Vicente, Palawan, Naga City, Camarines Sur, Baguio City, Benguet, Cebu City at Mandaue City, Clark Freeport Zone, Subic Bay Freeport Zone, Dingalan, Aurora, Maasin City, Leyte, Ormoc City, Leyte, Calbayog City, Samar at Mati, Davao Oriental.