DOT inilunsad ang unang hop-on hop-off bus tours sa bansa
Umarangkada na sa Makati City ang kauna-unahang hop-on hop-off bus tours sa bansa.
Pinangunahan ng Department of Tourism (DOT) ang pilot launch ng programa sa Makati City.
Ayon sa DOT, layon ng Hop-On Hop-Off na mabigyan ang mga turista partikular ang group travelers at mga indibiduwal na turista ng convenience at flexibility kung paano maglilibot sa destinayon sa pamamagitan ng seamless, contactless transport at tour booking system
Kinuha ang inspirasyon ng programa mula sa world-class hop-on hop-off buses sa Abu Dhabi, Argentina, London, Madrid, New York, at Singapore.
Sa sandaling maging fully implemented ang Hop-On Hop-Off sa Makati, ang mga turista ay maaaring sumakay sa bus sa designated stops sa loob ng lungsod para pumunta sa best spots at activities sa lungsod na inirekomenda ng DOT.
May opsiyon ang mga turista ng pribado at guided tours.
Tinatayang nagkakahalaga ng nasa P1,000 ang tour kada indibiduwal.
Plano ng DOT na gawin ang proyekto sa ibang mga lugar sa Metro Manila.
Ang proyekto ay susunod na ilulunsad sa Maynila.
Sa Hunyo ngayong taon ay inaasahang magiging fully operational ang programa sa mga lungsod ng Makati at Maynila.
Moira Encina