DOT kumalas sa kontrata sa McCann pagkatapos ng kontrobersyal na “Experience the Philippines “ ad

download
courtesy of wikipedia.org

Inanunsyo ng Department of Tourism (DOT), ang pagkalas nila sa kontrata sa McCann Worldwide Philippines pagkatapos ng kontrobersyal na video tourism campaign ad.

Inamin ng DOT sa kanilang initial na imbestigasyon na may pagkapareho ang video ad na may title na “Sight” sa ad campaign ng South Africa noong 2014.

Ayon kay Tourism Assistant Secretary Frederick Alegre, gagawin nila ang lahat ng legal na paraan para maprotektahan ang interest ng mga tao.

Sinabi naman ni Reynaldo Ching, kasapi ng legal team ng DOT, sinasabihan nila ang McCann na maglabas ng public apology dahil sa nangyari.

Ayon sa DOT, susubukan nila maglabas ng panibagong video ad sa third quarter ng taon, ngunit susundin na ang bagong terms of reference para sa bidding process.

Dagdag ng DOT, may natitirang budget pa sila para mag produce ng panibagong video ad.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *