DOT, nagpaalala sa mga magtutungo sa Boracay na kailangan ang negative swab test result

Kailangan pa rin ang negative result ng RT- PCR test bago makapasok sa isla ng Boracay.

Ito ang paalala ng Department of Tourism (DOT) sa mga biyahero na nais magtungo sa isla.

Ayon sa DOT, kumpara noon ay mas affordable naman na ngayon ang RT-PCR test sa pakikipagtulungan ng DOT at University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) at Philippine Children’s Medical Center (PCMC).

Sa pamamagitan ng Tourism Promotions Board, attached agency ng DOT, ang mga domestic tourist ay maaaring mag-avail ng 50% subsidized test, sa halagang P900 at P750 mula sa UP-PGH at PCMC.

Para sa mga nais magbakasyon o magtungo sa iba’t-ibang tourist destination sa bansa, maaaring makita ang entry protocols sa philippines.travel/safetrip o magdownload ng app na Travel Philippines.

Madz Moratillo

Please follow and like us: