DOT optimistiko na makahahabol ang PH sa tourism recovery sa ASEAN kasunod ng pagluluwag sa mask mandate
Pinuri ng Department of Tourism (DOT) ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na luwagan ang mandato sa pagsusuot ng face mask sa bansa.
Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na welcome development na gawing optional ang pagsusuot ng face mask kapag nasa open spaces.
Binanggit ng kalihim na ipinapakita sa mga datos na sa mga bansa sa Europa, Asya, at North America kung saan inalis ang mahigpit na health protocols ay bumuti ang kanilang ekonomiya, dumami ang tourist arrivals, at mas mabilis na nakarekober ang turismo.
Dahil dito, optimistiko si Frasco na ang pagluluwag sa mask mandate ay makatutulong para makahabol ang Pilipinas sa ibang bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) region pagdating sa turismo.
Aniya ang nasabing hakbangin ay nagpapakita ng kumpiyansa sa pagbiyahe, magpapasigla sa ekonomiya at magpapahusay sa people-to-people connectivity sa bansa.
Moira Encina