DOT, pinawi ang pangamba ng mga mawawalan ng trabaho sa pagsasara ng Boracay Island

Pinawi ng Department of Tourism o DOT ang pangamba ng mga taong posibleng mawalan ng trabaho sa Boracay sa sandaling  ipasara na ito ng gobyerno para sa gagawing rehabilitasyon ng pamahalaan.

Nakahanda ang Tourism office ng gobyerno na suportahan at tulungan ang mga tao at negosyante na magkaroon ng alternatibong ikabubuhay sa oras na simulan ang rehabilitasyon sa naturang isla.

Sa panayam ng Radyo Agila, sinabi ni Tourism Secretary Wanda Teo, nakahanda umanong magkaloob ng tulong at skills training ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan partikular na ang kanilang ahensiya ang DOT, ang Technical Education & Skills Development o Tesda.

DOT Sec. Wanda Teo:

“Pag isinara ang Boracay, hindi lamang ang DOT ang tutulong, gaya ng TESDA at ang DOT ay magte-training ng mga Frontliners, mga Tour guides at iba pa, yun ang aming maitutulong habang nakasara ang isla. Para pag binuksan muli ang Boracay ay hasa na sila sa kanilang trabaho. Even ang DSWD ay nagpahayag na tutulong kaya marami ang tutulong sa mga manggagawa sa Boracay”.

Samantala, dahil naman sa bumangong problemang pangkapaligiran sa Boracay, hinikayat ni Secretary Teo na magtungo muna ang mga turista ang iba pang mga alternatibong tourist destination sa bansa gaya sa Panay island.

Humingi na rin si Teo sa ibat’ ibang local government units sa pamamagitan ng mga Tourism regional directors ng mga listahan ng mga alternatibong tourist destination na maari namang puntahan ng mga local at foreign tourist.

Nanawagan din si secretary Teo sa publiko na tulungan ang kanilang ahensya na mapangalagaan at mapreserba ang kalikasan para ito naman aniya ang maipamana ng mga kasalukuyang pinuno ng bansa sa mga susunod pang henerasyon ng ating lahi…

 

==============

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *