DOT planong magpatupad ng mas mahigpit na panuntunan sa mga field trip ng mga paaralan

 

Plano ng Department of Tourism at ng iba pang ahensya ng pamahalaan na magpatupad ng mas mahigpit na panuntunan sa mga field trip ng mga paaralan.

Ito ang napagkasunduan sa kauna-unahang Educational Tour Summit na pinangunahan ng DOT at dinaluhan ng mga kinatawan mula sa DepEd, CHED, LTFRB, mga eskwelahan, Tour operators, at mga Tourism industry stakeholder.

Hinimok ni Tourism Undersecretary Alma Rita Jimenez ang mga academic institution na makipag-ugnayan sa mga Tour Service provider na accredited ng DOT.

Ang mga nasabing service provider na kinabibilangan ng mga tour operator, at iba pang Tourism facilities ay kailangang kwalipikado, lisensyado ar sertipikado na makapagbibigay ng pinakamataas na kalidad ng serbisyo.

Nangako naman ang mga opisyal ng mga paaralan na tatalima sa panuntunan ng gobyerno sa mga educational tour gaya ng pakikipag-ugnayan sa mga DOT-accredited service provider.

Kinumpirma naman ni DOT Region IV-A Director Rebecca Labit na nakaapekto sa industriya ng turismo sa CALABARZON ang freeze order na inisyu ng CHED na nagbabawal sa mga field trip mula Pebrero hanggang Hunyo ngayong taon lalo na at ang nasabing rehiyon ang isa sa madalas na destinasyon sa mga field trip.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *