DOT target ang 4.8M international visitors sa 2023
Nais ng Department of Tourism (DOT) na maabot ang 4.8 milyon na bilang ng international visitors sa Pilipinas sa 2023.
Sa year-end media briefing ng DOT, sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na optimistiko ang kagawaran na magpapatuloy ang momentum sa turismo sa bansa sa 2023 at sa mga susunod pang taon.
Ito ay matapos na lumagpas na sa mahigit 2.46 milyong ang mga turista mula sa ibang bansa na bumisita sa Pilipinas ngayong 2022.
Ang nasabing bilang ay higit na sa tourist projections ngayong taon ng DOT na 1.7 milyon.
Ang U.S ang nangunguna na source market ng turista ng Pilipinas na nasa 461,000 at sumunod ang South Korea na nass 387,000.
Kumpiyansa naman ang kalihim na maaabot ng bansa ang 2.5 milyong guest arrivals sa pagtatapos ng 2022.
Aniya, kapag mangyari ito ay makakamit na ng Pilipinas ang 30% ng pre-pandemic arrivals ng bansa na napakalayo mula sa 164,000 na bisita noong 2021.
Inihayag din ni Frasco na umaabot na sa P149 bilyon o $139 milyon ang kontribusyon sa ekonomiya ng turismo ngayong taon batay sa pinakahuling tala ng DOT na tourism revenues noong Nobyembre.
Moira Encina