DOTr at DND lumagda na sa kasunduan para sa konstruksyon ng Metro Manila Subway.
Pinirmahan na ni DND Secretary Delfin Lorenza at ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang kasunduan na nagpapahintulot sa DOTr na gamitin ang ilang lupain ng DND na dadaanan ng konstruksyon para sa Metro Manila railway system.
Ipinakita sa mga larawan ang mga plano ng kauna-unahang Metro Manila Subway.
Ayon kay DOTr Sec. Arthur Tugade, tuloy na ang subway station, at sa pamamagitan aniya nito ay lalong magiging kumportable at ligtas ang biyahe ng mga pilipino.
Target ng DOTr na sa 2022 ay magiging partial operability na ang unang apat na istasyon ng Metro Manila Subway.
Ang mga istasyon na kabilang sa partial operation nito ay ang:
•East Valenzuela Station
•Quirino Highway Station
•Tandang Sora Station
•North Avenue Station
Inaasahan namang pagsapit ng 2026 ay makukumpleto na nito ang full section operation ng subway kung saan magagamit na ang underground railway system mula Valenzuela hanggang NAIA Terminal 3 at mapapaikli na lamang sa mahigit 30 minuto ang biyahe mula Quezon City hanggang Parañaque.
Ulat ni Jet Hilario