DOTr at Maligaya Development Corporation, lumagda na sa kasunduan para magtayo ng Bus terminal

 

Lumagda sa isang Memorandun of Agreement ang Department of Transportation o DOTr at Maligaya Development Corporation o MDC para magtayo ng North Luzon Express Terminal sa Ciudad de Victoria, Bocaue, Bulacan.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, ang naturang terminal ang inaasahang solusyon sa matinding traffic partikular na sa kahabaan ng Edsa.

Oras na matapos aniya ang terminal, hindi na papayagang pumasok ng Edsa ang mga provincial buses para solusyunan ang matinding decongestion.

Inaasaahang mababawas ang lima hanggang anim na libong mga Provincial bus sa Edsa na palabas at patungong Northern part ng bansa kada araw.

Batay aniya ito sa nilagdaang Executive Order noon pang 2014 na tanggalin ang lahat ng Provincial bus sa kahabaan ng Edsa.

Batay kasi aniya sa pag aaral umaabot sa 3.5 billion pesos ang nawawala sa ekonomiya kada araw dahil sa problema sa traffic

Samantala, ayon kay MDC  COO Atty. Glicerio Pascual Santos IV, ang naturang terminal ay itatayo sa 11- ektaryang lupa na pag aari ng MDC sa Bocaue, Bulacan.

Tulad aniya ito ng bus terminal sa Europa at Asya na gagawing automated at technology based kung saan madaling malaman ang oras.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *