DOTr, magpapatupad ng “no vaccination, no ride” policy
Magpapatupad ang Department of Transportation (DOTr) ng “no vaccination, no ride” policy sa mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila.
Sinabi ni DOTr Secretary Arthir Tugade, na nagpalabas na siya ng department order hinggil dito.
Sa kaniyang direktiba ay inatasan ng kalihim ang lahat ng attached agencies at sectoral offices ng DOTr, na tiyaking masusunod ng mga operator ng public transport ang polisiya.
Aniya, dapat ay yaon lamang fully vaccinated o may vaccination card ang mabibigyan ng ticket.
Ayon kay Tugade, magkakabisa ang polisiya sa sandaling mailathala na sa Official Gazette ang kautusan.
Please follow and like us: