DOTr Secretary Tugade, binisita ang mga pasaherong dinala sa hospital matapos magbanggaan ang 2 bagon ng LRT-2
Dinalaw ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade ang mga pasaherong nasaktan at nasugatang pasahero matapos magbanggaan ang dalawang bagon ng LRT-2 kagabi.
Ang mga biktimang pasahero ay dinala sa World Citi Medical Center, Quirino Memorial Medical Center, Amang Rodriguez Medical Center, at sa Manila Medical.
Tiniyak ni Secretary Tugade sa mga pasahero na lahat ng kanilang medical bills, follow up checkups at ay sasagutin ng LRTA at ng DOTr.
Nagbigay na rin ng direktiba ang kalihim na lahat ng mga nasaktan at nasugatan pasahero ay mabigyan ng pagkain at ihatid sa kani-kanilang tahanan, maging ang mga naka confine sa iba’t-ibang hospital.
Mahigpit ding ipinag-utos ni Secretary Tugade na imbestigahan ang naturang salpukan ng dalawang bagon ng tren ng LRTA at agad na pinasusumite ang resulta ng imbestigasyon sa kaniyang tanggapan.
Ulat ni Ian Jasper Ellazar/Earlo Bringas