DOTr, Tiniyak na walang magiging pagtaas sa singil sa pamasahe sa mga tren
Tiniyak ng DOTr na hindi magtataas ng singil sa pamasahe sa mga tren ng MRT, LRT at PNR.
Sinabi ni Transportation Undersecretary Timothy Batan na ayaw ng Pangulo na madagdagan ang hirap ng publiko ngayong mataas ang presyo ng gasolina na nagkaroon na ng domino effect sa presyo ng bilihin.
May- utos rin aniya si DOTr Secretary Arthur Tugade na walang dapat aprubahang dagdag singil sa pamasahe dahil magiging dagdag pahirap ito sa mga commuter.
Samantala pasisinayaan ng DOTr ang walo sa mahigit isandaang train set mula sa Japan na tatakbo sa North to South commuter railway system.
Kapag nasimulan na ang operasyon nito, mababawasan na ng dalawang oras ang travel time mula Clark International Airport sa Pampanga patungong Calamba sa Laguna.
Pero mag- ooperate muna ang tren mula PNR Clark phase 1 Tutuban sa Maynila hanggang Malolos.
Kaya nitong magsakay ng 2,228 na pasahero kada tren na tatakbo ng 120 kilometer per hour.
Meanne Corvera