Downward trend ng COVID-19 cases sa bansa hindi artificial – DOH
Hindi artificial ang patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID- 19 na naitatala sa bansa.
Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, talagang bumababa na ang mga kaso ng virus infection ngayon sa bansa.
Katunayan, ang average na kaso ng virus infection kada araw ay 2,888 na lamang sa bansa, habang sa Metro Manila ay 493 nalang kada araw.
Maging sa mga ospital, bumababa na rin aniya ang mga nai-a-admit.
Pero aminado si Vergeire na may ilan paring lugar na may mataas na hospital admission dahil ang iba sa kanila ay nagde-develop sa severe o kritikal na sitwasyon.
Pero sa kabila naman ng patuloy na pagbaba ng mga kaso, pinaalalahanan ni Vergeire ang publiko na maging mapag-obserba.
Sa pagsunod aniya sa health protocols nakasalalay ang pananatili ng downward trend ng COVID-19 cases sa bansa.
Madz Moratillo