DPWH: Bagong Estrella- Pantaleon Bridge, malapit nang matapos
Inanunsyo ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar na 93% nang kumpleto ang bagong Estrella- Pantaleon Bridge.
Ang tulay ay inaasahang magbubukas sa mga motorista sa Hulyo.
Ang nasabing bridge project sa Pasig River ay mag-uugnay sa Estrella Street sa Makati City at Barangka Drive sa Mandaluyong City.
Ayon kay Villar, sa oras na makumpleto ay magiging apat na lanes na ang tulay mula sa dating dalawang lanes.
Kaya nitong mag-accomodate ng 50,000 sasakyan araw-araw na makatutulong para maibsan ang sitwasyon ng trapiko sa lugar at ma-decongest ang EDSA.
Nakatuon ang DPWH sa pagtapos sa approach road ng tulay sa parehong Makati at Mandaluyong at iba pang miscellaneous works na malapit na sa final phase sa mga susunod na linggo.
Nagkakahalaga Php1.46 billion ang proyekto na pinondohan ng grant mula sa China.
Moira Encina