DPWH, ipinagpapatuloy ang Clearing operations sa mga kalsadang naapektuhan ng Habagat at bagyo
Nagpapatuloy ang clearing operations ng DPWH sa mga road sections mula sa Luzon na naapektuhan ng habagat at bagyong Karding.
Ayon sa DPWH, umaabot sa 36 na road sections ang naapektuhan ng masamang panahon sa limang rehiyon sa Luzon kung saan 19 na ang pwedeng madaanan.
Pero nanatiling sarado ang ilang kalsada dahil sa road collapse, damaged slope protection, rockslide, damaged pavement, mud and debris flow, at pagbaha.
Sa ulat nga DPWH Bureau of Maintenance, kabilang sa isinasailalim sa clearing operations ang siyam na saradong kalsada sa Cordillera Administrative Region kabilang ang Kennon Road.
Gayundin ang Calasiao Old Road sa Pangasinan at ilan pang impassable roads sa Region 3 tulad ng Bigaa Plaridel via Bulacan & Malolos Road.
Iniulat din ng DPWH na tanging light vehicles lamang ang pinapayagan na makadaan sa ilang road sections sa Regions 1, 2 at 3.
Tuloy pa rin ang assessment ng DPWH sa halaga ng pinsala sa mga national roads.
Ulat ni Moira Encina