DPWH magtatayo ng temporary bridge matapos magcollapse ang isang tulay sa Pangasinan
Sinisimulan na ng Department of Public Works and Highways Region 1 ang pagtatayo ng temporary bridge para sa maliliit o light vehicles na dadaan sa Brgy. Wawa, Bayambang, Pangasinan.
Ito ay matapos magcollapse ang Carlos P. Romulo Bridge sa nasabing lugar.
Ayon sa DPWH region 1, sarado parin ang nasabing tulay until further notice.
Target ng DPWH na matapos ang temporary bridge sa loob ng 2 linggo.
Pansamantala, pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa alternatibong ruta o sa: Bayambang-San Carlos -Aguilar Road via Bocboc Bridge-Mangatarem at vice-versa o pwede rin naman sa Carmen Junction-Manat Road/Manila North Road at vice-versa.
Para naman sa Light Vehicles pwedeng dumaan sa: Bayambang-Bautista-Moncada-Camiling Road at vice-versa o sa M.H.Del Pilar, Bayambang-Urbiztondo-Mangatarem-Camiling Road at vice-versa o sa Bayambang-San Carlos-Urbiztondo-Mangatarem at vice-versa.
Madelyn Villar -Moratillo