DPWH minamadali na ang konstruksyon ng modular hospital facility sa Lung Center of the Philippines
Inaasahang matatapos ng DPWH sa katapusan ng buwan ang tatlong modular hospital units sa Lung Center of the Philippines.
Ayon sa DPWH, minamadali na nito ang konstruksyon ng pasilidad para matugunan ang mataas na pangangailangan sa emergency care ng COVID-19 patients sa Lung Center.
Partikular na ilalaan ang pasilidad sa mga pasyente na may severe at critical na sintomas ng COVID.
Ang tatlong modular hospital cluster units ay magkakaroon ng 66 isolation rooms
Ini-install na ang electrical, ventilation at iba pang hospital systems at equipment sa tatlong cluster units.
Target naman ng DPWH na makumpleto sa Hulyo ang karagdagang dalawang cluster units na may 44 kuwarto.
Isa sa mga ito ay para sa Intensive Care Units (ICU) sa mga pasyente na nangangailangan ng high level medical care at complex treatment.
Moira Encina