DPWH, nagpa-alalang bawal ang Election posters sa National roads
Ipinagbabawal ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang magpaskil o magkabit ng Election posters sa mga National road na may mga mensahe o advertisements at nakakaka-distract sa mga motorista.
Dahil dito, hinimok ng DPWH ang publiko na i-report ang mga road right-of-way violations na tulad nito.
Sinabi ng DPWH na may ilang mga poster na kadalasang ikinakabit sa national roads na nais mag-promote sa mga negosyo at indibidwal tuwing election season.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar , mahigpit na ipinagbabawal ang mga ito alinsunod sa probisyon ng Section 23 ng Presidential Decree no. 17 o revised Philippine Highway Act at National Building Code of the Philippines.
Bagaman may tauhan ang DPWH para bantayan at tanggalin ang mga ipinagbabawal na poster ay dapat i-report ng publiko ang mga RROW violations upang madaling maaksyunan ng kagawaran.
=========