DPWH nagtatayo ng pop up hospital sa Lung Center of the Philippines
Nagpapatuloy ang konstruksyon ng ginagawang pop-up hospital ng Department Public Works and Highways sa Lung Center of the Philippines sa Quezon City.
Ayon kay DPWH Sec. at isolation czar Mark Villar, ang modular hospital na ito ay 16-bed capacity na itinatayo bilang suporta sa mataas na demand ng health care services ng Lung Center.
Umaasa ang DPWH na sa pamamagitan nito ay mapapataas ang health care capacity ng ospital.
Sinabi pa ni Villar, gagamitin ang modular hospital na ito para sa treatment ng severe COVID-19 patients.
inihayag naman ni DPWH Usec. Emil Sadain, ang walong room facility ay mayroong tig-dalawang kama.
Maliban sa pop-up hospital na ito, ay mayroon pa aniyang ibang modular hospital na ginagawa ang DPWH.
Kabilang na rito ang sa Quezon Institute compound sa E. Rodriguez sa Quezon City.
Ang field modular hospital ay mayroong 110-bed capacity para sa mga COVID-19 patients, bukod pa sa may hiwalay na nursing station, equipment laboratory, pantry, CCTV system at elevated pathway.
Nagtatayo rin ang DPWH ng offsite dormitories para sa mga health care workers.
Madz Moratillo