DPWH nakumpleto na ang konstruksyon ng protective barrier laban sa mga pagbaha para sa mga residente malapit sa Tullahan River
Natapos na ng DPWH ang konstruksyon ng revetment wall na magsisilbing protective barrier mula sa mga pagbaha para sa mga residente malapit sa Tullahan River sa Barangay North Fairview, Quezon City.
Ayon kay DPWH NCR Director Melvin Navarro, kabuuang 46.5 million pesos ang ginastos sa nasabing istruktura na bahagi ng Rehabilitation and Improvement of Tullahan River Phase II.
Anya maiiwasan na ang mga pagbaha at soil erosion sa lugar lalo na kung malakas ang pag-ulan at gayundin ang agkasira ng mga ari-arian at pagkawala ng buhay dahil sa konstruksyon ng mas mataas at matibay na pader.
Sinabi ng opisyal na bago itayo ang revetment wall, isang luma at sira-sirang grouted riprap lamang ang nagsisilbing depensa laban sa pwersa ng ilog tuwing panahon ng pagulan.
Ulat ni Moira Encina