DPWH pagpapaliwanagin ng mga Senador dahil sa mga binaha at butas butas na mga kalsada
Babala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council bukod sa pagguho ng lupa, dahil sa posibleng mga pagguho ng lupa at malalaking landslide lalo na sa matatarik na lugar dahil sa walang tigil na pag –ulan.
Maaari rin umanong maapektuhan ang structural integrity ng mga gusali o tulay kapag lumambot ang lupa.
Pero sabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan hindi pa sila makapagsagawa ng assessment sa ngayon dahil malakas pa rin ang ulan, maraming kalsada, tulay at istruktura ang lubog sa baha lalo na sa Bulacan at Pampanga.
Sa susunod na linggo, ipinatawag na ng mga Senador ang mga opisyal ng DPWH para pagpaliwanagin sa madalas na pagkabutas ng kalsada tuwing umuulan at bakit mas maraming lugar na ngayon sa metro manila at buong bansa ang binabaha .
Yan ay sa kabila ng napakalaking pondo na inaprubahan ng kongreso para sa kanilang flood control projects.
Mungkahi naman ni Senador Francis Escudero, dapat ipaubaya sa DPWH ang lahat ng plano sa paggawa ng tulay kalsada o drainage para matiyak na magkakarugtong at mapupunta sa tamang daluyan ang mga inaagos na tubig.
Meanne Corvera