DPWH, patuloy ang paghahanda para sa super typhoon Ompong
Patuloy ang paghahanda ng Department of Public Works and Highways para maibsan ang mga posibleng pinsala na idudulot ng Super Typhoon Mangkhut o Ompong sa oras na ito ay pumasok na sa Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa DPWH, nakadeploy na ang disaster response teams ng kagawaran na mayroong heavy equipment sa mga vital road sections at malapit sa mga landslide prone areas.
Ito ay para kaagad makapagsagawa ang DPWH ng clearing operations sa mga lugar na dadaanan ng bagyo at makapag-restore ng mga kalsada at tulay na mapipinsala.
Inatasan din ang DPWH Disaster Response Teams na imonitor at magsunite ng mga situational reports ng kalagayan ng mga national roads and bridges kada anim na oras at magbigay ng agarang tulong.
Una nang nagpalabas ng memorandum si Public Works and Highways Secretary Mark Villar na nagaatas sa lahat ng DPWH Regional and District Disaster Response Teams sa buong bansa na magsagawa ng preparatory activities para matiyak ang structural integrity ng mga pangunahing kalsada, tulay at high rise public buildings.
Ulat ni Moira Encina