DPWH sinimulan na ang clearing operations sa ilang lugar na naapektuhan ng bagyong Ompong; mga isinarang kalsada sa motorista dahil sa epekto ng bagyo, nadagdagan pa
Sinimulan na ng DPWH Disaster Response Teams ang clearing operations sa mga pangunahing kalsada sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Ompong.
Ilan sa mga ito ay ang kahabaan ng Ilocos Sur-Abra Road (Lungog Section), Brgy. Lungog, Narvacan, Ilocos Sur kung saan inaalis ng mga tauhan ng DPWH ang mga nagtumbahang puno ng acacia.
Kaugnay nito, sarado sa lahat ng uri ng sasakyan ang nabanggit na kalsada dahil sa nagpapatuloy na clearing operations.
One lane passable naman ang ilang bahagi ng Ilocos Norte -Apayao Road dahil sa damaged Portland Cement Concrete Pavement at collapsed slope protection.
Pawang mga light vehicles lamang ang pinapadaan sa Garrita Bridge (detour) sa Bani,Pangasinan.
Sa La Union, nagpapatuloy din ang clearing operations ng mga maintenance crew ng DPWH District Engineering Offices sa mga lugar kung saan sila nakadeploy.
Patuloy din ang pagalis ng DPWH Nueva Ecija sa mga putik at debris sa mga kalsada doon.
Hindi naman pwedeng daanan ng mga light vehicles ang Daang Maharlika Road sa PUTLAN Carranglan section dahil sa debris flow at malakas na agos ng tubig doon.
Ulat ni Moira Encina