DPWH tatapusin sa loob ng anim na buwan ang konstruksyon ng Circumferential road sa Boracay

Kukumpletuhin ng DPWH ang mga nalalabing bahagi ng Boracay Circumferential Road at pagtatayo ng mas maayos na drainage sa Boracay sa loob ng anim na buwan na rehabilitasyon ng isla.

Sinabi ni Public Works a d Highways Secretary Mark Villar, uunahin nila ang paggiba sa mga istruktura na pasok sa 12-meter road right-of-way ng gobyerno, at ang paglilinis at pag-aalis ng bara sa mga drainage line na bahagi ng Boracay Circumferential Road.

Ayon sa kalihim, ang aayusing drainage system ay ikakabit sa main road para saluhin ang baha at waste discharge at hindi dumiretso sa dagat.

Plano rin anya ng DPWH na magtayo ng mga bangketa at magtalaga ng pedestrianat bicycle lane.

Kabuuang 490 million pesos ang halaga na kakailanganin para tapusin ang tatlong section ng Boracay Circumferential Road na may habang 5.2 kilometer.

 

 Ulat ni Moira Encina
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *