DPWH, tiniyak na walang major damage sa mga tulay at kalsada sa Luzon matapos ang 6.1 magnitude na lindol sa Zambales
Nagpapatuloy pa ang assessment ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa structural damage na idinulot ng magnitude 6.1 na lindol sa Central Luzon.
Pero sinabi ni DPWH Spokesperson Anna Mae Lamentillo sa Radyo Agila na walang napaulat na major destruction sa mga kalsada at tulay sa Luzon.
Sa katunayan aniya, cleared at passable na ang lahat ng mga national roads na napinsala ng lindol sa Porac, Pampanga.
Alas-siyete kagabi nang matapos ang clearing operations sa boundary ng Dinalupihan at Pampanga.
Passable na rin sa lahat ng mga sasakyan ang Consuelo bridge sa Floridablanca at ang East lateral portion ng megadike.
Bukas naman ay inaaasahang magbubukas na rin ang Sasmuan-Lubao road.
Tumutulong rin ang DPWH sa pagrehabilitate sa mga napinsalang istruktura ng ilang mga paaralan.
Pagdating naman aniya sa mga government building ay wala silang nakitang major damages at ligtas pa namang gamitin ang mga ito.
“We’ve already inspected 208 out of 301 bridges, flyovers and viaducts at wala namang major defect sa mga bridges natin sa NCR na naapektuhan ng lindol sa Zambales. Sa ngayon yung mga bridges natin is alerady passable. In Manila, walang naapektuhan sa mga National roads at bridges”. – Anna Mae Lamentilla, DPWH Spokesperson