Dr. Tony Leachon nagbitiw na bilang Special Adviser ng DOH
Nagbitiw na si Dr. Tony Leachon bilang Special Adviser for Non-communicable Diseases ng Department of Health.
Ayon kay Leachon, ipinadala niya ang kaniyang resignation letter kay Health Secretary Ted Herbosa na tinanggap naman umano nito.
Sa kanyang liham, sinabi ni Leachon na personal reason ang dahilan ng kaniyang pagbibitiw.
Pero sa isang pahayag, sinabi nito na ang kaniyang pagbibitiw ay kasunod ng nangyari sa budget hearing sa Kongreso na aniya ay nagsilbing eye opener sa kanya.
Sa nasabing pagdinig kasi ay nakuwestiyon ang kanyang background at pagiging isang public health expert.
Ayon kay Leachon wala siyang kelangang patunayan at ayaw niyang madamay ang kaniyang pamilya sa anumang isyu.
“The DOH HoR hearing on budget last week was an eye opener. I was branded not as a public health expert by a lawmaker. it’s not good to be defending one’s qualifications in the public eye. at this stage, i do not have to prove anything anymore.” – Dr. Tony Leachon
Binanggit rin ni Leachon ang isyu sa kaso ng dengvaxia at ang mga effort para umano madiscredit siya.
Si Leachon ay una ng humarap bilang testigo sa pagdinig ng Quezon city Regional Trial Court kaugnay sa pagkamatay ng ilang bata matapos umanong maturukan ng Dengvangxia vaccine.
“The Dengvaxia case will drag on for years. And they will be trying relentlessly to discredit me all throughout its pendency. People don’t care anymore.” – DR. TONY LEACHON
Bago itinalaga sa DOH, si leachon ay nagsilbi ring adviser ng Task force on COVID-19 ng gobyerno.
Madelyn Moratillo