Dredging activities sa Manila Bay, malapit nang simulan ng DPWH

Nakatakda nang simulan sa mga susunod na linggo ng DPWH ang dredging activitites sa Manila Bay.

Ito ay matapos na makumpleto ng DPWH – Bureau of Equipment ang  bathymetric o depth measurement survey, water quality test at ocular inspection sa Manila Bay at Navotas River.

Sinabi ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar na ang resulta ng mga isinagawa nilang surveys at pagsusuri ay ang magiging batayan sa  dredging activities sa mga paparating na linggo.

Anya ang dredging ang major mechanism para matanggal ang mga naipong pollutants sa Manila Bay habang ang bathymetric survey ay mahalaga para matantya ang dami ng mga dumi na kailangan alisin at matukoy ang mga lugar na dapat mapagtuunan sa clean up.

Ayon sa DPWH, ang tatlong dredging sites ay ang Navotas River, Estero de Vitas sa Tondo at ang prayoridad na 100 metro mula sa shoreline ng Manila Bay mula sa Manila Yacht Club breakwater at US Embassy.

Kaugnay nito, inihahanda na ng DPWH ang strategic deployment plan para sa mga equipment fleet na binubuo ng amphibious excavators, dumping scows, dump trucks, debris segregator, street sweepers, at vacuum sewer cleaner.

Idideploy ang mga nasabing equipment sa huling linggo ng Pebrero hanggang sa unang linggo ng Marso.

Inihayag pa ni Villar na regular na imomonitor ng DPWH ang water quality sa Manila Bay sa kabuuan ng proyekto para makamit ang layunin ng rehabilitasyon nito.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *