‘Drive-throw’ recycling station sa Lebanon, tugon sa problema sa basura
Isang drive-through sa Beirut ang pinupuntahan ng mga motorista hindi para bumili ng fast-food, kundi para ipagpalit ng cash ang dala nilang cardboard o basyo ng bote.
Madalas na umaapaw ang mga landfill sa Lebanon, ang mga basura ay ilegal na sinusunog sa mga informal dump site o kaya naman ay naglulutangan lamang sa baybayin ng dagat Mediterranean.
Ang State-run recycling ay bumagsak dahil na rin sa tatlong taon nang bagsak na ekonomiya.
Sinabi ng 32-anyos na si Pierre Baaklini, founder ng Lebanon Waste Management, “The government used to be in charge of this sector and now it is bankrupt.”
Humigit kumulang isang taon na ang nakalilipas nang simulan niya ang una niyang “Drive Throw” recycling station at binuksan naman ang ikalawa noong Pebrero ng kasalukuyang taon sa Burj Hammoud, isang lugar sa labas ng Beirut na malapit sa isang landfill.
Drive Throw’ accepts everything from cardboard to plastic, glass, metal, e-waste, batteries and even used cooking oil © JOSEPH EID / AFP
Sa higit sa 80 porsiyento ng populasyon ng Lebanon na nabubuhay sa kahirapan, ang pinakamahihirap ay kumukuha ng kaunti nilang ikabubuhay sa pamumulot sa mga tapunan ng basura ng anumang bagay na maaari nilang ibenta para sa recycling o scrap.
Sinabi ni Baaklini na ang kanyang mga customer ay karaniwang environmentally concious at kabilang sa minorya “na may sapat na kita.”
Ang mga tao ay nagpupunta sa istasyon lulan ng kanilang mga sasakyan, inire-rehistro ang kanilang mga detalye at inilalagay ang kanilang recyclables sa counter. Tinatanggap ng mga manggagawa ang lahat mula sa karton hanggang sa plastik, salamin, metal, e-waste, baterya at maging ang gamit nang mantika.
Sa isang karatula ay nakalista ang mga presyo — ang isang kilo (2.2 pounds) ng karton ay nagkakahalaga ng 2,000 Lebanese pounds (halos dalawang sentimo), habang ang mga aluminum can ay nagkakahalaga ng 50,000 pounds bawat kilo.
An environmental engineer says now only about 10 percent of Lebanon’s waste is recycled © JOSEPH EID / AFP
Ayon sa 38-anyos na si Rony Nashef, na nagdala ng isang malaking bag na puno ng plastik na bote, “Recycling is definitely a much better solution to Lebanon’s trash problem.”
Ang kawalan ng kakayahan at katiwalian ay nagdulot ng isang kamangha-manghang krisis sa basura sa Lebanon noong 2015, nang ang mga ilog ng basura ay pumuno sa mga lansangan at bumuhos sa dagat, na humantong sa mga protesta ng libu-libong katao at puminsala sa larawan ng bansa,
Wala pang pangmatagalang solusyon na nabuo mula noon, at ang pagkasira ng dalawang sorting plants sa isang pagsabog noong Agosto 2020 sa Beirut port, ay nagpalala pa sa problema.
Sa Drive Throw, ang recyclables ay maingat na pinaghihiwa-hiwalay, habang ang plastik ay nililinis at ginugutay-gutay.
Sinabi ni Baaklini na kabuuang 450 toneladang recyclables ang pumapasok sa dalawang pasilidad, at ang mga materyales ay ipinagbibili kapwa sa mga lokal at internasyunal na kliyente.
Lebanon’s poorest eke out a meagre living picking through dumpsters for anything they can sell for recycling or scraps © JOSEPH EID / AFP
Aniya, “What we are doing here is also about education and awareness-raising, as school students sometimes visit the facility to learn about recycling.”
Ayon naman kay Environmental engineer Ziad Abichaker na pinuno ng Cedar Environmental, isang grupo na ang espasyalidad ay “zero waste” technologies, ang recycling ay laging pinababayaan ng mga awtoridad.
Aniya, “Only ‘about 10 percent’ of Lebanon’s daily waste load of 5,000 tonnes is recycled. Authorities were studying a national waste management plan but there has been no progress due to institutional deadlock.”
Mahigit isang taon na itong pinamumunuan ng isang caretaker government na may limitadong kapangyarihan.
Incompetence and corruption caused a spectacular waste crisis in Lebanon in 2015, with no viable governmental solution since © JOSEPH EID / AFP
Sinabi pa ni Abichaker, “90 percent of the sorting plants ‘built over the years with money from international donations’ had stopped working, due to ‘faulty designs’ and corruption.”
Sa Burj Hammoud, sinabi ng 47-anyos na si Renata Rahme na isang film producer at nagdala ng isang crate ng ilaw at iba pang electrical appliances, na noong una siyang magtungo sa Drive Throw recycling station, ay hindi niya alam na kailangan niyang paghiwa-hiwalayin ang mga materyales.
Aniya, “Now I’m trying to do more sorting. The point is not the monetary return as much as participating in the initiative. We’re trying to do something better for the community, for the country, for society.”