Drive-thru at walk in COVID-19 testing centers sa Maynila, muling binuksan
Simula ngayong araw, muling magbubukas ang lahat ng drive-thru at walk-in COVID-19 testing centers sa Maynila.
Matatandaang pansamantalang isinara ang mga nasabing testing centers para bigyang-daan ang pagdiriwang ng Holiday season.
Ang Drive-Thru Testing Center sa Maynila ay matatagpuan sa Quirino Grandstand.
Habang ang Walk-in Testing Centers naman ay sa:
- Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center
- Ospital ng Tondo
- Justice Jose Abad Santos General Hospital
- Ospital ng Sampaloc
- Ospital ng Maynila
Ang testing centers na ito ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes mula alas-8:00 ung umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Bukas din ito sa lahat residente man o hindi ng Maynila.
Madz Moratillo
Please follow and like us: