Drive-thru at Walk-in COVID-19 testing centers sa Maynila, muling magbubukas ngayong araw
Simula ngayong araw, Nobyembre 3, muling magbubukas ang drive-thru at walk-in COVID-19 serology testing centers sa Lungsod ng Maynila.
Ang mga nasabing testing center ay una ng isinara pansamanta bilang pag-iingat sa Bagyong Rolly.
Ayon sa Manila Public Information Office, kabilang sa mga walk-in testing centers na ito ay sa:
– Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center
– Ospital ng Tondo
– Justice Jose Abad Santos General Hospital
– Ospital ng Sampaloc
– Ospital ng Maynila .
Maging ang drive-thru testing center sa Quirino Grandstand ay bukas na rin.
Inanunsyo rin ng Manila PIO na tuloy-tuloy pa ang libreng swab testing para sa mga market vendors, hotel employees, mall workers at public transport drivers sa lungsod.
Madz Moratillo