Driver na nanagasa sa security guard dapat isailalim sa drug test
Dismayado si Senate President Vicente Sotto III sa naging aksyon ng pambansang pulisya sa driver na sumagasa sa Security guard na si Christian Joseph Floralde.
Kwestyon ni Sotto, bakit kapag mahirap na nagnakaw ng bayabas kulong agad na taliwas sa kaso ni Jose Antonio Sanvicente.
Nakakabahala aniya na nakalaya si Sanvicente at pinayagan pang magpa- presscon ng pambansang pulis.
Kwestyon ni Sotto bakit hindi rin isinailalim sa 5 way comprehensive drug test si Sanvicente gayung nasangkot ito sa road accident.
Malinaw aniya sa batas na anti drunk and drugged driving law na sinumang nasangkot sa mga ganitong aksidente mandatory na dapat isailalim sa drug test at hindi ito dapat labagin ng PNP .
Nauna nang sinabi ni PNP OIC in charge Lt General Vicente Danao Jr. na hindi na maaring isailalim sa inquest proceedings si San vicente dahil nag lapse na ang time frame.
Maari lang aniya itong ikulong kung makakakita ng probable cause at may maisasampang kaso sa Korte na siya namang maglalabas ng arrest warrant.
Meanne Corvera