Drug Abuse Prevention and Control week, ginugunita; Panawagang pag-iwas sa paggamit ng iligal na droga, mas palalakasin

Pangungunahan ng Dangerous Drugs Board  (DDB) ang bansa sa paggunita ng Drug Abuse Prevention and Control (DAPC) week mula November 13 hanggang 19 ngayong taon.

Batay sa Presidential Proclamation No. 124,  na may petsang  November 26, 2001,  ang ikatlong linggo ng Nobyembre ay idineklara bilang DAPC week para mapataas ang kamalayan ng publiko laban sa masamang epekto ng paggamit ng iligal na droga.

Sa ilalim ng tema ngayong taon na “Addressing Drug challenges in Health and Humanitarian crisis”, binibigyang-diin ang kahalagahan ng paglaban sa mga maling impormasyon ukol sa masamang epekto ng paggamit ng iligal na gamot na nagdudulot ng matinding pinsala sa pubiko at kalusugan.

Maliban dito, ang paggunita ay mahalagang gabay upang maturuan ang mga mamamayan lalu na ang mga kabataan na maging matatag ang paninidigan upang hindi malulong sa impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot.

TL

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *