Drug cases na isinampa sa mga Trial courts noong 2017 umabot sa mahigit 289,000

Kabuuang 289, 295 ang mga kasong iligal na droga ang isinampa sa mga trial courts sa bansa noong 2017.

Ayon sa Korte Suprema, sa pagtaas ng bilang ng drug cases noong nakaraang taon, 12% o 34, 673 lamang ang nadesisyunan o naresolba na.

Sinabi ni SC Associate Justice Diosdado Peralta na bagamat hindi nakakatugon ang mga drug cases sa 60-day period para matapos ang paglilitis mula nang ihain ang kaso ay napagpapasyahan naman ng hukuman ang mga ito sa loob ng 10 buwan.

Ito ay simula anya nang ipatupad ang Revised Guidelines on Continuous Trial in Criminal Cases na kanyang binuo.

Tinukoy ni Peralta na mula sa 94,209 drugs cases na isinampa mula September 2017 hanggang June 2018, 7.89% ang naka-comply sa 60-day trial period kumpara sa 0.02% bago ang implementasyon ng Continuous Trial.

Bukod dito, inihayag ni Peralta na ang compliance ng mga korte sa 15-day period sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 para madesisyunan ang drugs cases ay umabot sa all-time high na 57.37% kumpara sa dating 12.58%.

Ayon pa sa mahistrado, ginagawa ng mga hukom ang lahat ng kanilang makakaya at nakikita na nila ang mga improvement sa pagresolba sa drug cases dahil pagpapatupad ng Continuous Trial.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *