Drug Pusher na pulis, arestado sa Buy- bust operation sa Taguig

 

Hindi na nakapagpigil pa sa galit si Philippine National Police o PNP Chief Director General Oscar Albayalde habang sinisermunan ang naarestong suspendidong pulis sa Taguig City sa isinagawang buy -bust operation ng Southern Police District o SPD  Drug Enforcement unit.

Kinilala ang suspect na si PO1 Jeffrey Amador na nakadestino sa Taguig City.

Inireklamo ang suspect matapos na makatanggap ng impormasyon at ireklamo ito ng kanya mismong asawa dahil sa pang-aabuso.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde nakakadismaya na mayroong mga bagitong pulis na gumagawa ng mga iligal na gawain.

Sumailalim na anila ang suspect sa surveillance ng mga otoridad at pagmomonitor nang makumpirma na ito ay nagtutulak ng droga dito na nila isinagawa ang paghuli kay Amador.

Si Amador ay Taguig Police pero narelieve sa puwesto noong nakaraang taon dahil sa pagkakasangkot nito sa katiwalian.

Posibleng bukod sa pagtutulak ng droga ay sangkot din ang bagitong pulis sa iba pang krimen.

Magsasampa naman ng reklamo ang asawa ni PO1 Amador dahil sa ginawa nitong pang -aabuso.

Dahil sa pagkakaaresto kay Amador, ipinag-utos ni Albayalde na ipatawag ang mga ka-batch nito at isasailalim ang mga ito sa background investigation at drug test.

Narekober kay Amador ang limang sachet ng shabu at kalibre 45 na baril.

Mahaharap rin ang pusher na pulis sa kasong paglabag sa Violence against women, Illegal possesion of fire arms, at paglabag sa Comprehensive dangerous drugs Act of 2002.

 

Ulat ni Earlo Bringas

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *