Drug suspeks na napapatay sa Maynila sa ilalim ng project double barrel reloaded, umabot na sa 150 – MPD
Umaabot na sa 150 ang opisyal na napapatay na drug suspek ng Manila Police District sa ilalim ng project double barrel reloaded.
Batay sa opisyal na talaan ng MPD noong March 1, nasa 129 na ang napatay sa Maynila mula nang buhayin ang drug war ng PNP.
Kung isasama sa talaan ang 25 na napatay sa one time big time drug operation noong August 16 hanggang 17 ay kabuuang 150 na ang napapatay.
Pinakamarami sa nakapagtala ng mga napatay na drug suspek ay ang MPD Station 3 o Central Market Police Station na nakapagtala ng 31.
Aabot naman sa 1,082 ang bilang ng mga drug suspek na sumuko habang ang mga naaresto ay 2,776.
Ang mga binisitang bahay sa ilalim ng Tokhang Revisited ay 1,064.
Aabot naman sa 1,444 ang operasyong ikinasa ng MPD kontra iligal na droga mula Marso.
Pansamantalang natigil ang operasyon ng PNP kontra iligal na droga noong Enero dahil sa kaso ng dinukot at pinatay na Korean businessman na si Jee Ick Joo.
Ulat ni: Moira Encina