DSWD, bukas makatrabaho si Anti-Poverty Czar Gadon sa mga programa laban sa kahirapan
Walang magiging epekto sa food stamp program ng Department of Social welfare and Development (DSWD) ang pagkakatalaga ni Larry Gadon bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, nangangailangan ng whole-of-nation approach ang pagsugpo sa kahirapan.
Aniya, napalaking laban ang isyu ng kahirapan at hindi ito kakayanin ng isang tanggapan o ahensiya ng pamahalaan.
Dahil dito, bukas ang kalihim at umaasa siya na makakatuwang si Gadon sa pagpapatupad ng poverty alleviation programs.
“ I look forward to working with Presidential Adviser Larry Gadon. He’s a friend of mine. Ang bawat Pilipino na gustong lumaban sa kahirapan, tanggapin natin ang tulong at maiaambag, We don’t discount anybody, and a person wanting to help us in this battle is an additional person that can contribute “ ani Gatchalian.
Moira Encina