DSWD, hinikayat ang publiko na makipagtulungan na labanan ang illegal adoption sa bansa
Nananawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na labanan ang illegal na pag-aadopt lalo na ang online adoption na isa sa mga usong tangkilikin ng publiko maging ng mga illegal recruiters.
Ito ay sa kabila ng programa ng Adoption Consciousness Week ng DSWD at sa pakikipagtulungan ng mga Non Government Organization at LGU’s na maipaabot sa publiko ang tamang paraan ng pag-a-adopt.
Ayon kay Asec. Glenda Relova ng statutory programs ng dswd na magiging mahigpit sila sa lahat ng pagkakataon lalo na sa mga illegal process ng pagaadopt kaya panawagan nila sa publiko na wag tangkilikin ang online process ng pag-aadopt kundi pumunta sa mga field offices ng dswd.
Aniya ….dahil sa bill simplifying adoption process na hinihintay na maaprubahan anumang araw ni Pangulong Duterte na maging batas para makatulong sa pagpapabilis ng proseso ng mga dokumento maging ang gastos nito ay mapababa.
Ang sinumang lumabag at mapatunayang lalabag sa legal process ng adoption ay maaring makasuhan ng ilang taon at magmumulta ng malaking halaga.
Ulat ni Ian Jasper Eleazar