DSWD, inalerto ng Malakanyang sa pagsulpot sa Metro manila ng mga katutubong mamalimos sa Holiday season
Inalerto na ng Malakanyang ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na bantayan at ipagbawal ang pagsulpot ng mga katutubo sa Metro Manila upang mamalimos sa panahon ng holiday season sa kasagsagan ng pandemya ng COVID-19.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque nakagawian na ng mga katutubo na lumuluwas sa Metro Manila para mamalimos sa mga lansangan kung saan umaakyat pa ang mga ito sa mga pampublikong sasakyan.
Ayon kay Roque maaaring carrier at maging super spreader ng corona virus ang mga mamamalimos na katutubo sa Metro Manila dahil wala silang tirahang matutuluyan sa lungsod at natutulog lamang ang mga ito sa tabi ng lansangan.
Inihayag ni Roque, hindi rin matiyak kung ang mga mamamalimos na katutubo sa Metro Manila ay mayroon ng anti COVID-19 vaccine.
Vic Somintac