DSWD , magbibigay ng P-5K sa kada pamilya ng bagyong odette
Magbibigay ang Department of Social Welfare and Develpment ng limang libong piso sa bawat pamilya ng mga tinamaan ng bagyong odette.
Ayon kay Senador Christopher Bong Go, batay ito sa direktiba ng pangulo.
Ang utos ay ginawa ng pangulo matapos itong mag-inspeksyon kahapon sa Siargao at Dinagat island na kabilang sa mga matinding tinamaan ng bagyo.
Inatasan aniya ng pangulo ang Office of the Secretary na ilabas ang pondo nitong aabot sa four billion pesos para sa mga lalawigang hinagupit ng bagyong odette.
Ipinapa download rin aniya ang pondo sa dswd para maipamahaging cash assistance bukas hanggang biyernes.
Pinamamadali na rin aniya ng pangulo sa Department of Human Settlements and Urban Development at national housing authority ang pagbibigay ng mga construction materials para may masilungan na ang mga residenteng nawalan ng bahay.
Pinakikilos rin aniya ng pangulo ang Department of Energy na pakiusapan ang mga gas stations doon na bumalik na sa operasyon.
Meanne Corvera